Mahigit P9 bilyong pondo na cash assistance para sa mga low-income beneficiaries na apektado ng Enhanced Community Quarantine ECQ ang naipamahagi na ng mga Local Government Units sa Metro Manila.
Ito ay ayon kay DILG Secretary Eduardo ano sa kabuuang P11.2 billion nasa 9.7 bilyon na ang naipamahaging ayuda sa ilang lugar sa NCR.
Dagdag ni Anio, tanging siyudad pa lamang ng Caloocan at Navotas ang nakakumpleto ng pamamahagi ng ayuda.
Habang ang siyudad ng Pasay, Malabon at Munisipalidad ng Pateros ay naka abot pa lamang sa 98% ang distribution rate at inaasahang makukumpleto bago matapos ang buwan ng Agosto.
Natapos naman ng Maynila ang kanilang payout ng ECQ cash aid kagabi.
Samantala, sinabi ni Ano na kanilang pinalawig ang deadline sa pammaahagi ng ayuda sa mga low income individuals sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng Agosto.