Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit sa 5,000 pirasong ecstasy na nakasilid sa loob ng isang paper shedder sa warehouse sa Pasay City.
Ayon sa BOC, nagmula ang kontrabando sa United Kingdom at naka-consigne sa isang indibiduwal na taga-Pasig City.
Natuklasan anila ang mga ecstasy habang nagsasagawa ng document check at physical examination ang kanilang mga tauhan sa package matapos na mapuna ang ilang hindi pagkakatugma-tugma sa mga detalye nito.
Pinaniniwalaang nagkakahalaga ng P9-M ang mga nasabat na mahigit 2,200 tableta ng ecstasy.
Agad namang itinurn over ng BOC ang mga ecstacy tablets sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso sa consignee. —ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)