Nasabat ng mga tauhan ng BOC o Bureau of Customs ang aabot sa 9 na milyong pisong halaga ng mga smuggled na sibuyas at carrots sa MICP o Manila International Container Port.
Ayon sa BOC, aabot sa 7.2 million pesos na halaga ng pula at puting sibuyas at 1.8 million pesos na halaga ng mga carrots ang nakuha mula sa tatlong 40-footer containers .
Batay sa MICP, dumating ang mga kargamento noong Hulyo 7 at 13 mula China at naka-consigned sa kumpanyang V2Y International Marketing Company.
Napag-alamang walang import permit mula sa Bureau of Plant ang mga naturang sibuyas at carrots kaya agad na kinumpiska ang mga ito ng BOC.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 ang consignee ng mga kargamento bagama’t kanilang itinanggi na kanila ang mga ito.
AR/DWIZ 882