Ipinauubaya na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa Kongreso kung ibibigay pa din sa kanila ang siyamnaraang milyong pisong (P900-M) budget ng Oplan Double Barrel sa susunod na taon.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na sa PNP ang paghawak sa anti-drug campaign ng pamahalaan.
Ayon kay Dela Rosa kakailanganin pa din ng PNP ang nasabing pondo sakaling muling ibalik sa kanilang mandato ang mga operasyon kontra iligal na droga na katulad ng ginawa noong Pebrero.
Ang nasabing siyamnaraang milyong pisong pondo ay nakalaan para sa oplan Tokhang at Oplan High Value Target.
Una nang sinabi ni Dela Rosa na nanghihinayang siya sa mga nasimulan at nagawa na ng PNP sa ‘war on drugs’.