Nagbanta ang mga taga-oposisyong senador na ipapatanggal sa panukalang buget ng PNP o Philippine National Police ang siyamnaraang milyong pisong (P900-M) pondo para sa kampanya kontra iligal sa ilalim ng Oplan Tokhang.
Ayon kay Senador Bam Aquino, napakalaki ng inilaang pondo ng gobyerno para sa Oplan Tokhang na nangangahulugan aniyang marami na naman ang maitatalang patay.
Nangangamba ang mga taga oposisyon sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa war on drugs.
Binigyang diin ni Aquino na marami ding kaso ng mga pagpatay ng riding in tandem ngunit tila hinahayaan lamang ito na hindi maresolba ng mga otoridad.
Nanindigan ang senador na hindi pagpatay ang solusyon para maresolba ang problema sa iligal na droga.