Aprubado na ng Kamara ang 900 milyon pesos na pondo para sa Oplan Tokhang ng PNP o Philippine National Police para sa susunod na taon.
Bago mag-adjourn ang Kamara sa kanilang deliberasyon sa 2018 national budget kamakalawa ay inaprubahan ng mga mambabatas ang mahigit sa isang daan at pitumpung (170) bilyong pisong pondo ng DILG o Department of Interior and Local Government.
Kung saan mahigit 131 bilyong pisong dito ay para sa PNP na nakapaloob naman ang 900 milyong pisong budget para sa Oplan Tokhang.
Samantala, binatikos naman ng ilang grupo ang nasabing pondo dahil sa anila’y nakababahalang pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa giyera kontra iligal na droga ng pamahalaan.
AR / DWIZ 882