Dumipensa si PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang 900 milyong pisong hirit na dagdag pondo para sa maigting na kampaniya kontra iligal na droga.
Ito’y sa kabila ng pagbatikos ng mga kritiko ng administrasyon dahil sa sunud-sunod na pagpatay ng ilang pulis sa mga inosenteng sibilyan partikular na sa mga kabataan.
Ayon sa PNP Chief, kinakailangan aniya ang nasabing pondo upang umandar ang nasabing kampaniya lalo’t maraming operasyon ang dapat ilunsad ng mga pulis.
Magugunitang nagbanta ang mga mambabatas na miyembro ng Liberal Party na haharangin nila ang pagpasa ng nasabing pondo dahil sa bibigyan lamang nito ng kapangyarihan ang mga pulis na pumatay ng walang mga kalaban-laban.
—-