Aabot sa P90 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC-PORT) of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa isang consignee sa Las Piñas City.
Ayon sa mga otoridad, inaresto ang naturang consignee na hindi muna pinangalanan matapos ikasa ang controlled delivery operation sa naturang paliparan.
Batay sa imbestigasyon philippine drug enforcement agency o pdea, dumating sa bansa kamakailan ang kahina-hinalang package na idineklarang “snacks” na agad isinailalim sa physical examination kung saan nadiskubre na naglalaman ito ng 3,175 gramo ng shabu.
Patuloy pang iniimbestigahan ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act 10863 o ang Customs Modernization Act.