Nagkakahalaga ng P920,000 na shabu at marijuana ang nakumpiska ng mga otoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa Caloocan at Quezon City.
Kinilala ang mga naaresto na sina; Marlou Solas Sidillo, 29-anyos; Resty Baitiong Macalansag, 38-anyos, at Jasmin De Guzman Tayao, 31-anyos.
Ayon sa Northern Police District, maituturing na high-value targets sina Sidillo at Macalansag.
Narekober sa mga ito ang dalawang bloke ng marijuana na may street value na P240,000, 25 caliber pistol na may dalawang bala, belt bag at holster. —sa panulat ni Abby Malanday