Binalewala ng mga organizer ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games ang babala ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na maghain lamang ng mga halal foods sa mga delegadong mula sa Islamic countries.
Kasunod ito ng naging reklamo ng Singaporean delegates sa kakulangan ng mga halal food na sini-serve sa hotel na kanilang tinutuluyan kaya kinailangan pa nilang mag-order ng pagkain sa labas.
Ayon kay NCMF Director for External Relations Dimapuno Alonto Datu Ramos Jr., una na silang nagbabala noon palamang inter-agency meeting sa SEA Games na ginawa sa PCC noong Setyembre.
Maging sa plenaryo ng Kamara ay sinabi rin nila ito ngunit hindi sila pinansin ni House Speaker Alan Peter Cayetano at iba pang opisyal ng Philippine Souteast Asian Games Organizing Committee sa halip ay ini-refer lamang sila sa Philippine Sports Commission (PSC).
Sinabi naman ni Ramos, handa siyang tumestigo sakaling magkaroon ng congressional investigation pagkatapos ng palaro.