Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach na magbayad ng tamang buwis sa premyo nito sa nasabing beauty contest.
Kabilang dito ang 300,000 US dollars o halos 4.1 million pesos na cash prize, modelling contract, buwanang suweldo at scholarship.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, si Wurtzbach ay sisingilin ng pinakamataas na 32% para sa kaniyang premyo bukod pa sa iba niyang pinagkitaan para sa 2015.
Muling iginiit ni Henares na ipinatutupad lamang nila ang batas at hindi aniya exempted sa batas ang piso nina Maria at Juan.
By Judith Larino