Ibinabala ng Malacañang sa publiko ang mga parusang naghihintay sa mga pasaway na gumagawa pa rin ng vote-buying.
Ayon kay acting deputy presidential spokesperson Michel Kristian Ablan, sinuman ang mapatunayang bumibili o tumatanggap ng pera mula sa vote-buyers ay pwedeng makulong at pagbayarin ng kaukulang multa.
Sinabi naman ng comelec, na dapat ay agad na iparating sa kanila ang mga akusasyon tungkol sa vote-buying para maimbestigahan ng task force.
Nabatid na sakaling mahuli sa vote-buying ang isang kandidato ay masesentensyahan ito ng diskuwalipikasyon at hindi na muling papayagan na makahawak ng posisyon sa gobyerno. – sa panulat ni Mara Valle