Alam niyo ba na posibleng planuhin kung lalaki o babae ang magiging anak?
Ayon sa eksperto, mabilis ang langoy ng mga semilya ng lalaki kung saan nabubuhay ito sa isang araw habang mabagal naman ang egg cell ng babae na tumatagal ng tatlong araw.
Gamit ang kaalamang ito, maaring subukan ng mag-asawa na magtalik sa loob ng dalawa o tatlong araw bago mahinog ang egg cell ng babae, sa ganitong panahon, namamatay na ang mga semilya ng lalaki kaya babae ang posibleng maging anak.
Kung itataon naman ito sa pagtatalik sa araw na hinog ang egg cell, poibleng lalaki ang magiging anak dahil sa mabilis na pagkilos ng semilya ng lalaki.
Gayunpaman, nakasalalay pa rin sa kalooban ng Diyos kung babae o lalaki ang ipagkakaloob na anak sa mag-asawa. —sa panulat ni Jenn Patrolla