Mula sa pinagsamang salita ng biyahe at hilo, ay ang bagong salitang hindi mo gugustuhing maramdaman ngayong holiday season, ang “byahilo.”
Ang pagkahilo o motion sickness ay kondisyong kadalasang nararamdaman ng marami sa tuwing bumibiyahe.
Ayon sa mga eksperto, ang “byahilo” ay nangyayari kapag hindi nagtutugma ang senyales na natatanggap ng utak mula sa mata at mga pandama sa katawan.
Ang mga sintomas ng motion sickness ay maaaring magsimula mula sa animo’y paggalaw ng paligid, pagpapawis, at pagsusuka.
Para maiwasan ang “byahilo”, narito ang ilang tips mula sa mga eksperto: Uminom ng maraming tubig, umiwas sa mabibigat na pagkain bago bumiyahe, pumili ng lugar sa sasakyan na malilimitahan ang paggalaw at iwasan ang pagbabasa o paggamit ng gadgets sa biyahe.
Sakali namang patuloy na nararamdaman ang sintomas, mainam na magpakonsulta sa doktor para sa angkop na gamot at mga payo.—sa panulat ni Jasper Barleta