Noong December 5, 2023, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 11966 o Public-Private Partnership Code Of the Philippines bilang batas.
Tumutukoy ang Public-Private Partnerships (PPPs) sa contractual agreement sa pagitan ng public at private sectors na naka-target sa financing, designing, implementing, at operating ng infrastructure facilities and services.
Matatandaang isa ang PPPs sa funding strategies ng Build, Better, More (BBM) program ni Pangulong Marcos.
Nakikita ni Pangulong Marcos ang infrastructure projects sa ilalim ng Build, Better, More program bilang driving force sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa, partikular na ang transport projects.
Tumutukoy ang Build, Better, More sa infrastructure program ni Pangulong Marcos na target magpalawak sa Build, Build, Build (BBB) program ng nakaraang administrasyon. Layong tugunan ng Build, Better, More program ang mga kakulangan sa sektor ng imprastraktura na siyang humahadlang sa development ng bansa.
Parehas na target ng Build, Better, More at Build, Build, Build programs na tumugon sa mga kakulangan at isyu ng infrastructure sector sa bansa. Mas diversified nga lang ang funding strategy para sa Build, Better, More Program, kagaya na lang ng pag-utilize sa Public-Private Partnerships (PPPs).
Mayroong 123 new projects sa infrastructure program ng administrasyong Marcos. Mula sa 119 projects sa ilalim ng Build, Build, Build program, 71 dito ang na-carryover mula sa mga dating administrasyon. Sa kabuuan, 194 ang inaprubahang high-impact priority projects sa Build, Better, More program.
Ayon kay Pangulong Marcos, makikinabang ang buong bansa sa naturang 194 projects. Isa sa key projects na ito ang Luzon Spine Expressway Network Program. Mula 20 hours, magiging 9 hours na lang ang biyahe mula Ilocos papuntang Bicol.
Kabilang din sa mga bagong proyekto sa ilalim ng Build, Better, More program ang mga sumusunod ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan:
- Panay Railway Project
- 3rd phase ng Mindanao Railway Project
- University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Diliman Hospital
- North Long Haul component ng North-South Railway
- Ilocos Sur Transbasin Irrigation project
- San Mateo Railway
- Metro Cebu Expressway
Kabilang naman sa mga na-carryover na proyekto ang Metro Manila Subway Project at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) rehabilitation mula sa Build, Build, Build program, at ang North-South Commuter Railway mula sa administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Samantala, ipinahayag naman ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa kanyang official visit sa Pilipinas noong November 3, 2023, ang commitment niyang tulungan ang infrastructure development ng bansa sa ilalim ng Build, Better, More program.
Kapag maging matagumpay ang Build, Better, More program ng administrasyong Marcos, matitiyak ang pagkakaroon ng mas matatag na ekonomiya. Mas bibilis ang kalakalan, mas lalakas ang turismo, mas titibay ang imprastraktura, at mas aayos ang kalidad ng buhay sa Pilipinas.