Mas mababa umano ang infection rate ng COVID-19 sa mga paaralan kumpara sa ibang lugar.
Ito ang inihayag ni Education Secretary Leonor Briones sa gitna ng napipintong pagsasagawa ng dry run para sa face-to-face classes sa susunod na taon.
Ayon kay Briones, marami ang mga pag-aaral na nagpapakita na ang pinaka lowest threat ay sa mga school.
Gaya na lang aniya ng presentasyon ng United Nations Children’s Fund o UNICEF Philippines na global evidence, kung saan 1 hanggang 5% lamang sa kabuaang bilang ng kaso ng COVID-19 ang bata o adolescents.
Habang nasa 91% ng COVID-19 cases sa mga bata ay mula sa household exposure.
Paliwanag ni Briones, kaya malaki ang posibilidad na mahawaan ng virus ang mga bata sa bahay ay dahil madalas sila ritong namamalagi.
Kasabay nito, tiniyak ng DEPED sa tulong ng local government unit ang kaligtasan ng mga batang magbabalik eskwela mula bahay, transportasyon at paaralan.