Sugatan at namamaga ang likod, kamay at mukha ng 26 na mag-aaral, 2 guro at 1 school principal makaraang atakehin ng mga bubuyog ang kanilang eskwelahan sa Tampilisan, Zamboanga del Norte.
Sa ulat ni Krissa Dapitan ng GMA Regional TV One Mindanao sa “24 oras weekend” nitong Sabado, sinabing inatake ng mga bubuyog ang ZNAC Elementary School noong Huwebes ng hapon.
Ayon ZNAC Elementary School Principal Lusila Patagoc, nabigla sila sa narinig na sigawan ng mga estudyante habang nagtatakbuhan naman palabas ng classroom ang ilan sa kanila.
Marami sa mga magulang ang hindi agad nakatulong sa kanilang mga anak dahil maging sila, kinuyog din ng mga insekto.
Mabilis namang tumugon ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng tampilisan upang mabigyan ng first aid at antihistamine ang mga biktima.