Inihayag ng isang Senador na nakadadagdag sa alalahanin at pagdududa ng publiko sa bakuna sa tuwing may binabago ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga ina-anunsyo nito.
Ito’y ayon kay Senadora Risa Hontiveros makaraang payagan na ngayon ng FDA na gamitin sa mga senior citizens ang sinovac vaccine.
Ayon kay Hontiveros, kailangan talaga na magkaroon ng massive information campaign ang kinauukulang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department Of Health (DOH), Inter-Agency Task Force (IATF )at FDA.
Paliwanag ni Hontiveros, ito’y para mahusay na maipaliwanag na kung bakit pwede na ang Sinovac sa mga nakatatanda.
Sa huli, kailangan anyang maipakita na suportado ng science ang pagpalit ng kanilang desisyon para makumbinse ang mga nakatatanda na ligtas at mabisa talaga ang naturang bakuna.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol19)