Handang tugunan ng pamahalaan ang problema sa pabago-bagong Global political economy ng bansa bunsod ng Covid-19 pandemic.
Ayon kay Finance secretary Benjamin Diokno, magpapatupad ng Comprehensive 8-point Socioeconomic Agenda ang Marcos Administration para tugunan ang mga panganib at maibalik sa high growth trajectory ang ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni Diokno na mahigpit ang gagawing koordinasyon ng Punong Ehekutibo sa Kongreso para mabalangkas at agad na maisabatas ang mga naaangkop o napapanahong panukala hinggil sa nasabing isyu.
Samantala, palalawigin rin ng kasalukuyang administrasyon ang papel na gagampanan ng pribadong sektor sa pagsusulong ng transpormasyon sa ekonomiya.
Bukod pa dito, sinabi ng Kalihim na kanila ding palalawakin ang espasyo para sa Civil society, isusulong ang inclusive at sustainable na ekonomiya ng bansa, at pagkakaroon ng malinaw at focused na plano ang gobyerno.