Naguguluhan si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawa ng Communist Party of the Philippines o CPP dahil sa pabago-bago nitong aksyon.
Ayon kay Duterte, tila bentilador ang komunistang grupo dahil minsan ay patungo ito sa kaliwa , minsan naman ay pakanan.
Aniya, nang ideklara ang Martial Law ay pinaigting nito ang kampanya kontra sa gobyerno ngunit kinalaunan ay nagbago rin ang isip kung saan sinabing handa na naman silang makipagtulungan sa pamahalaan.
Sinabi ni Duterte na kung nais ng tunay na kapayaaan ay dapat na magpakita ng sinseridad ang pamahalaan at mga rebelde sa pagkakaroon ng peace talks.
Kaugnay nito, tinanong ng Pangulo si CPP Founding Chairman Jose Maria Sison tungkol sa pananaw nito sa usapang pangkapayapaan.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte