Nababahala si San Beda Graduate School Law Dean Fr. Ranhilio Aquino sa pabagu-bagong pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga sensitibong usapin.
Partikular dito ayon kay Aquino ang pahayag ni Duterte sa estado ng kanyang kalusugan na sinabi nitong niloloko niya lamang ang media.
Sinabi ni Aquino na mahirap na mabatid kung alin ang mga seryoso o hindi seryosong pahayag ng Pangulo.
Binigyang diin ni Aquino na may implikasyon ang pabagu-bagong pahayag ng Pangulo sa mga polisiya ng gobyerno dahil maging ang mga magpapatupad at ibang stakeholders sa mga patakaran ay naghihintay na lang palagi kung babawiin ng Pangulo ang kanyang sinabi o kung ito ay totoong paiiralin.
By Judith Larino