Pursigido ang pamahalaan na makumpleto ang mga pabahay para sa mga sinalanta ng Super Bagyong Yolanda, pitong taon na ang nakalilipas.
Pag-amin ni Cabinet Sec. Karlo Nograles, pansamantalang naantala ang pagtatayo sa mga pabahay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Subalit dahil sa unti-unti nang niluluwagan ang quarantine restrictions ay pagsusumikapan nilang makumpleto na ito sa lalong madaling panahon.
Mula sa mahigit halos 2000,00 pabahay na target maitayo ng pamahalaan, nasa mahigit 135,000 rito ang naitayo na.
Habang nasa mahigit 32,000 sa mga ito ang nabinbin subalit ngayon ay patuloy nang itinatayo.
Pagtitiyak ng Inter-Agency Task Force Yolanda, inaasahang sa Hunyo ng susunod na taon ay maipamamahagi na nila sa mga nawalan ng tahanan dulot ng bagyo ang mga itinayong pabahay.
Magugunitang Agosto ng taong ito dapat naipamahagi na ang mga nasabing pabahay subalit pinalawig pa ito ng Pangulong Rodrigo Duterte.