Dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasalukuyang sitwasyon ng mga nakaligtas sa hagupit ng super bagyong Yolanda, tatlong taon na ang nakalilipas.
Sa talumpati ng Pangulo sa Holy Cross Memorial Park mass grave sa Tacloban City, inatasan nito si Presidential Adviser for the Visayas Mike Dino na tapusin hanggang Disyembre ang mga nakabiting proyekto.
Nais ng Pangulo na makita niyang nakalipat na ang lahat ng mga biktima ng bagyo sa permanente nilang tahanan sa kanyang pagbabalik sa susunod na buwan.
Una rito, pinangunahan ng Pangulo ang isang simple ngunit emosyonal na paggunita sa mahigit 2,000 binawian ng buhay dahil sa pananalasa ng itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)