Pinasalamatan ng Malakaniyang ang Korte Suprema sa paborableng desisyon nito kaugnay ng isang taong pagpapalawig sa umiiral na Martial Law sa Mindanao.
Kasunod ito ng ginawang pagbasura ng high tribunal sa mga petisyong kumukuwesyon sa naturang hakbang gayundin sa suspensyon ng Privilege of the Writ of Habeas Corpus sa naturang rehiyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isang patunay aniya ito na sinasang-ayunan ng high tribunal ang layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang terorismo sa bansa.
Dahil dito, naniniwala si Roque na tiyak na tataas pa ang morale ng mga awtoridad na nagpapatupad ng batas hindi lamang sa Mindanao kung hindi sa buong bansa para pangalagaan ang seguridad at kaayusan.
Binigyang diin din ng kalihim na kanilang itutuloy ang pagbabantay sa pagpapatupad ng batas militar sa lugar subalit kumpiyansa silang hindi maaabuso rito ang karapatang pantao ng mga residente ruon.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio