Nilamon ng apoy ang isang pabrika ng bulak sa Barangay San Bartolome, Quezon City, kagabi.
Dakong ala- 7:30 nang sumiklab ang sunog sa P. Dela Cruz St.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa unang alarma ng ang sunog hanggang tuluyang naapula ng makalipas ang isang oras.
Nagsimula sa ground floor ng gusali ang apoy hanggang madamay na ang ilang katabing kuwarto kabilang ang waste disposal area.
Ang naturang pabrika ang gumagawa ng sikat na brand ng bulak na “happy”.
Wala namang nasaktan sa insidente dahil agad ding pinalabas ang mga empleyado habang inaalam na ang sanhi ng pagkalat ng apoy at halaga ng mga natupok o napinsalang ari-arian.