Nasunog ang isang pabrika ng karton sa maysan road Valenzuela City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog pasado ala 5 kaninang umaga at mabilis na kumalat dahil sa mga light materials na matatagpuan sa loob ng factory.
Itinaas ito sa 4th na alarma dakong ala 5:30.
Hinala naman ng may-ari ng pagawaan na sinadya ang sunog dahil hindi aniya basta-basta nasusunog ang mga karton.
Iginiit din nito na sumusunod sila sa lahat ng safety requirements tulad ng fire extinguisher at sprinklers.