Nilamon ng apoy ang isang pagawaan ng plastik sa bayan ng Santo Tomas sa lalawigan ng Batangas.
Wala namang nasaktan sa sunog na naganap sa Shing Hung Plastics Co. Inc. sa First Philippine Industrial Park.
Sinasabing ang naturang Taiwan-invested plant ay gumagawa ng plastic injection molds at matagal nang nag-ooperate sa bansa.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagsiklab ng apoy na puminsala sa tinatayang P200,000 na halaga ng mga ari-arian.
By Jelbert Perdez