Naglaan na ng 50,000 Pisong pabuya para sa sinumang makapagbibigay impormasyon at ika-aaresto ng mga sangkot sa pagpatay sa bank employee na si Mabel Cama.
Ayon kay Eastern Police District Director, Chief Supt. Romulo Sapitula, ang reward ay nagmula kay Paracale, Camarines Norte Mayor Lourdes Biguera, may-ari ng Mega Bus Line at parking compound, sa Rosario, Pasig City.
Sa naturang lugar natagpuan noong linggo ang sunog na bangkay ng biktima na hinihinalang ginahasa ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Tiniyak din anya ni Biguera na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon at ipatatawag ang lahat ng kanilang empleyado upang magkaroon ng linaw ang kaso.