Itinaas sa dalawang milyong piso ang pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon sa grupong dumukot sa mag-asawang British at Pilipina sa Tukuran, Zamboanga Del Sur.
Inianunsyo mismo ito ni Zamboanga Del Sur Governor Victor Yu kasabay ng isinagawang pulong sa peace and order ng provincial council.
Ayon kay Yu, kanilang itinaas sa dalawang milyong piso mula isang milyong piso ang pabuya para mapabilis ang paglliligtas sa mag asawang biktima na sina Allan Arthur at Wilma Hyrons.
Ipagkakaloob aniya ang pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek at mag-asawang biktima.
Magugunitang dinukot ang mag-asawang Hyrons habang nasa Loob ng kanilang resort sa Barangay Alindahaw noong October 4.