Itinaas pa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anim na milyong piso ang pabuya para sa ikadarakip ng mga pumatay sa apat na pulis sa Negros Oriental.
Hinihingi ng pangulo ang ulo ng mga killer kapalit ng anim na milyong piso.
Kasunod na rin ito ng pagkaka aresto sa dalawang suspek sa pagpatay na umano’y pakana ng New People’s Army.
Una nang inanunsyo ng pangulo ang 1.3 million peso bounty at itinaas nito sa limang milyong piso kalaunan.