Umabot na sa 6.5 million pesos ang pabuya para sa makapagtuturo sa pumatay sa beteranong broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, umabot sa limang milyong piso ang nalikom mula sa ambagan nilang mga kongresista bukod pa sa 1.5 million pesos mula kina DILG Secretary Benhur Abalos at dating Manila Mayoralty Candidate, Atty. Alex Lopez.
Lahat ng miyembro anya ng kamara ay may malasakit kay Ka Percy at iginiit na dapat mahanap sa lalong madaling panahon ang nasa likod ng pagpaslang sa broadcaster. —sa panulat ni Jenn Patrolla