Tiniyak ng pamahalaan na daraan sa matinding pagsusuri ng militar at pulisya ang pamamahagi ng pabuya sa mga taong nagsilbing susi sa pagkakapatay nila Omar Maute at Isnilon Hapilon sa Marawi City.
Sa isinagawang Mindanao Hour sa Malacañang, sinabi ni AFP Spokesman Maj/Gen. Restituto Padilla, ang binuong joint evaluation committee ang naatasang magpasya sa kung sino ang dapat makatanggap ng pabuya na alok ng pamahalaan.
Sampung Milyong Piso ang patong sa ulo kay Abu Sayaf at ISIS Emir Isnilon Hapilon habang nasa limang Milyong Piso naman ang patong kay Omar Maute at dinagdagan pa ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ng tig-limang Milyong Piso kapalit ng impormasyon sa dalawa.
Kasunod nito, nilinaw ni Padilla na wala silang kamay sa reward money na alok naman ng Estados Unidos na umaabot aniya sa tig – limang Milyong Dolyar na patong sa ulo kina Hapilon at Maute.