Itinaas na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 25,000 pesos ang pabuya para sa sinumang makapapatay sa bawat miyembro ng New People’s Army o NPA.
Ito ang reaksyon ni Pangulong Duterte sa banta ni Communist Party of the Philippines o CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na maaari pa silang makapaglunsad ng pag-atake at may kakayahan na pumatay ng isang sundalo kada araw.
Ayon sa Punong Ehekutibo, masyadong magastos ang giyera at batay sa kanyang kalkulasyon ay makatitipid ang gobyerno ng 47 percent kapag nag-alok na lamang ng pabuya sa sinumang makapapatay ng mga rebelde.
Magugunitang nag-alok din si Pangulong Duterte sa mga miyembro ng Lumad ng 20,000 pesos sa bawat mapapatay na rebeldeng komunista.
Posted by: Robert Eugenio