Tumaas ng P200,000 ang pabuya para sinumang makagtuturo sa pinagtataguan ng dating driver ni Senador Leila de Lima na si Ronnie Dayan.
Ayon kay Pangasinan acting Provincial Police Director, Senior Supt. Ronald Lee, isang hindi pinangalanang negosyante sa Pangasinan ang nag-alok ng dagdag na 100,000 pesos para sa ikadarakip ni Ronnie.
Una ng nag-alok ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng P100,000 matapos maglabas ng warrant of arrest ang House Committee on Justice dahil sa kabiguang dumalo sa hearing kaugnay sa umano’y illegal drugs trade sa New bilibid Prison (NBP).
Kumbinsido anya sila na hindi pa nakalalabas ng bansa si Dayan at maaaring nasa Pangasinan pa ito o sa mga karatig lugar.
Samantala, naniniwala naman si Lee na tinimrehan si Dayan ng kanyang 2 pulis na pinsan at legal advisers bago pa maglabas ng arrest warrant.
By Drew Nacino