Iniakyat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P3-M mula sa dating P1.3-M ang pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa lider ng New People’s Army (NPA) na pumatay sa apat na pulis sa Negros Oriental noong nakalipas na linggo.
Ayon sa pangulo, handa siyang dagdagan ng dagdagan ang pabuya hanggang sa ma-pressure ang mga kasamahan ng rebelde at ituro ang nasa likod ng pagpatay sa apat na pulis.
Hindi naman naniniwala ang pangulo sa napaulat na pagpapakamatay umano ng NPA leader dahil sa lungkot, aniya posibleng pakana lang ito ng kilusang komunista.
It will keep on increasing and the pressure that goes with it. Kasi pagkatapos niyan ‘pag mag-abot ng 20 milyones ‘yan sabihin ko, dalhin mo na masking anong ulo basta leader dalhin mo na dito may 20,000,000 kayo,” bahagi ng talumpati ni Pangulong Duterte.