Nakatuon lang umano sa kikitain ang ikinakasang muling paghaharap nina undefeated world champion Floyd Mayweather Jr. at pound-for-pound king Senator Manny Pacquiao.
Ito ang pananaw ng HBO boxing commentator na si Jim Lampley.
Ayon kay Lampley, wala sa tamang perspektibo ang nilulutong rematch nina Pretty Boy at Pacman dahil pinangunahan ng pagkagahaman sa pera ang mga nasa likod nito.
Dagdag pa ni Lampley, gaya ng pahayag ni Juan Manuel Marquez, wala itong magandang kahihinatnan dahil walang kakaiba sa mata ng boxing fans.
By Mariboy Ysibido