Walang plano si Anti Corruption Commissioner Manuelito Luna na sampahan ng impeachment si Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Luna, binalaan lamang niya si Robredo nang sabihin nya na pwede itong ma impeach dahil sa pagsuporta nito sa resolution ng United Nations na imbestigahan ang drug war sa Pilipinas.
Iginiit ni Luna na maituturing na betrayal of public trust ang paglabag ni Robredo sa Code of Conduct and Ethical Standards for Government Employees kung saan sinasabi na dapat maging tapat ang lahat ng opisyal ng pamahalaan sa republika.
Sinabi ni Luna na hindi malayong ma impeach si Robredo kung lagi nitong ipinapahiya sa international community ang Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang mga posisyon na kontra sa posisyon ng pamahalaan.