Pormal na susulatan ngayong araw na ito ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner (PACC) Greco Belgica si PCSO Board Member Sandra Cam para hingin ang mga ebidensiyang posibleng hawak nito na may kaugnayan sa korupsiyon sa Sweepstakes Office.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Belgica na interesado silang malaman kung ano ang nalalaman ni Sandra Cam na mga umano’y anomalya sa ahensiya.
At sa gitna ng ginagawang pagsilip ng PACC sa mga sinasabing iregularidad sa PCSO, sinabi ni Belgica na hindi naman lusot dito mismo si Cam kasama ang iba pang mga aktibo at mga dating opisyal ng nasabing tanggapan.
Ayon kay Belgica, 15 mga opisyal ng PCSO ang nasa listahan nilang under investigation at kasama dito ang 10 nasa listahan ni Pangulong Duterte na dawit sa PCSO anomaly.
Inaasahang tatakbo ang imbestigasyon ng mula dalawa hanggang tatlong buwan.
Samantala, nanumpa na si dating DA Sec. Manny Piñol bilang bagong chairman ng Mindanao Development Authority.