Wala pang plano ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na imbestigahan si Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Kaugnay ito sa tila pag-endorso ni Panelo sa liham ng pamilya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez na humihingi ng clemency sa Board of Pardons and Parole (BPP).
Ayon kay PACC Commissioner Manuelito Luna, wala pa silang nakikitang sapat na basehan para maglunsad ng imbestigasyon laban kay Panelo.
Bagamat may hurisdiksyon anya silang imbestigahan si Panelo, hindi sapat na basehan ang liham nito sa BPP.
Dapat anyang tandaan na bagamat naging abogado ni Sanchez si Panelo, nagwithdraw naman anya ito habang dinidinig pa noon ang kaso ni Sanchez.