Hindi na maaaring tumanggap at maghatid ng package ang Grab car at Uber kung hindi kasama ang pasaherong nag-book sa kanila.
Ito ang napagkasunduan sa pagpupulong ng mga transport network companies, LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board at PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, maaaring tanggihan ng mga driver ang mga pasaherong kung hindi susunod ang mga ito.
Bukod dito, kailangan na rin munang buksan at ipakita ang laman ng mga package na ipade-deliver sa Grab express at ang pag-fill up o pagsusulat sa isang form para makuha ang mga impormasyon ng nagpapadala at padadalhan.
Iimbestigahan na rin ng LTFRB ang posibilidad na nagagamit ang iba pang pampublikong mga sasakyan sa pag-deliver ng mga iligal na droga.
—-