Pinasisilip ng ilang senador sa DTI o Department of Trade and Industry ang packaging ng fruit-flavored alcoholic drink na Alcopop.
Ayon kay Senadora Pia Cayetano, dapat alisin sa mga tindahan ang Alcopop at palitan ang packaging nito.
Aniya, may 7 percent alcohol content ang Alcopop pero ang itsura ito ay tulad ng mga inumin para sa mga bata.
Sinabi naman ni Senador Bong Go na dapat linawin ng mga manufacturer ng Alcopop kung ito ba ay isang alcoholic drink o juice lamang.
Dagdag ng senador, matamis aniya ang lasa ng Alcopo pero nakakahilo na sa kalaunan.
Nais ding alamin ni Go kung walang nalalabag ang manufacturer ng nabanggit na inumin.