Nakasanayan na ng iba na bumili ng pagkain kapag bumabiyahe. Ang problema nga lang, kadalasan itong malamig.
Ngunit hindi ito isyu sa Japan dahil nakalikha sila ng lunch box o bento na kusang umiinit! Ang kailangan mo lamang gawin, hilain ang tali sa gilid ng box at sa loob ng ilang minuto, mayroon ka ng hot meal!
Sa ilalim ng bento, mayroong lalagyan ng maliliit na white coals o calcium oxide. Naglalabas ng tubig ang paghila sa tali at kapag humalo ito sa uling, nagkakaroon ng exothermic reaction o pag-release ng heat.
Sa ganitong paraan, pwede mo nang i-enjoy ang isang hot at freshly-made bento, anytime, anywhere!
Patunay ang self-heating bento sa Japan na napapadali ng inobasyon ang ating buhay.