Nagkausap na sa wakas sina dating 8 Division World Champion at Senador Manny Pacquiao at kanyang promoter na si Top Rank CEO Bob Arum.
Kaugnay ito sa napipintong pagbabalik ng pambansang kamao sa ring sa susunod na taon.
Ayon kay Michael Koncz, adviser ni Pacquiao, sa Abril posibleng sumabak muli sa bakbakan si Pacman subalit palaisipan pa kung sino ang makakalaban.
Bagaman wala na anyang hawak na titulo, walang balak si Senador Pacquiao na lumaban sa undercard.
Tikom naman ang bibig ni Koncz kung pursigido ang kanilang kampo na plantsahin ang posibleng sagupaan sa pagitan ng people’s champ at MMA Superstar Conor Mcgregor.