MANANATILING kampeon sa puso ng mga Pilipino si Sen. Manny Pacquiao kahit bigo itong mabawi ang kanyang World Boxing Association o WBA super welterweight belt.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos matalo si Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision sa kamao ni Cuban Yordenis Ugas sa kanilang laban sa Las Vegas, Nevada.
Ayon kay Roque, bagama’t hindi nagtagumpay si Pacquiao ay hindi naman nabawasan ang karangalan na naibigay ng Pambansang Kamao sa bansa sa ilang taon nitong pamamayagpag sa mundo ng boksing.