Handa na si Senador Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Lucas Matthysse ng Argentina.
Kahapon, tinapos na ng dating eight-division world champion ang kanyang training sa General Santos City sa pamamagitan ng limang rounds ng sparring.
Ayon kay Coach Buboy Fernandez, masaya at kuntento si Pacman sa pag-eensayo nito lalo’t pawang Pilipino ang member ng kanilang Team Pacquiao.
Bukod sa Pambansang Kamao at Fernandez, kabilang din sa training camp ang kapatid ni Buboy na si Haplas, Nonoy Neri, Jonathan Peñalosa, Ting Arriosa at Nonito Donaire Sr.
Samantala, nasa Kuala Lumpur, Malaysia na si Matthysse para sa kanilang sagupaan na gaganapin sa Hulyo 15.