Na-under estimate ni Senador Manny Pacquiao si Jeff Horn.
Ayon ito mismo sa ama ni Horn matapos manalo ang Australian boxer sa kanilang sagupaan ng Pambansang Kamao noong Linggo sa Brisbane, Australia.
Sinabi ni Jeff Horn, Sr. na sa simula’t simula pa lamang ay tiwala na silang mananalo ang kaniyang anak kaya’t hindi na siya na sorpresa sa pagka-panalo ng Australian boxer.
Kasabay nito, inihayag ni Horn na hindi naman “general opinion” na si Pacman ang nanalo sa nasabing laban.
By Judith Estrada – Larino