Nag-jogging lamang muna si Senator Manny Pacquiao sa unang araw ng kanyang training sa Los Angeles, California.
Muling tinakbo ni Pacman ang kanyang paboritong lugar at bundok na Griffith Park sa bahagi ng Hollywood.
Kinumpirma naman ng Canadian adviser na si Michael Koncz na kinansela ni Coach Freddie Roach ang training session ng mambabatas sa Wild Card gym.
Nais ni Roach na magpahinga muna ng husto ang Pinoy ring icon dahil sa jet.
Halos 2 linggo na lamang ang inaantay ni Pacman bago harapin ang WBO welterweight champion na si Jessie Vargas sa Las Vegas.
By Mariboy Ysibido