Nananatili si Senator Manny Pacquiao sa selection process ng opposition coalition na 1Sambayan.
Ito’y sa kabila ng pagtanggap ni pacquiao ng nominasyon ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban bilang Presidential candidate ng kanilang partido.
Ayon kay 1Sambayanan Convenor at dating CHR Chairperson Etta Rosales, noon pa naman nila nakausap si Pacman at nagpahayag ito ng kahandaang makipag-dayologo.
Nakipag-dayalago na rin anya sa kanila sina Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Samantala, inihayag ni Rosales na dapat pa ring linawin ng COMELEC kung sino ang kikilalanin sa dalawang PDP-Laban faction bago pa ang 2022 national elections.—sa panulat ni Drew Nacino