Lumagda ng kasunduan si Fighting Senator Manny Pacquiao at isang grupo sa China para mapalakas ang professional boxing sa naturang bansa.
Batay sa kasunduan ni Pacman at Dancing Sports, magtatayo ng Manny Pacquiao International Boxing Academy na tututok at magsasanay ng Chinese world class boxers at ipo – promote ang professional boxing matches sa buong China.
Sinabi ni Pacman na importante ang nasabing hakbang para lalo pang mapag – ibayo ang kooperasyon ng Pilipinas at China.
Naniniwala naman ang Dancing Sports na makakatulong ang kasunduan para makilala ang potensyal ng kanilang bansa sa larangan ng boxing.