Hindi malayong maging presidential candidate ng 1SAMBAYAN si Senador Manny Pacquiao sa 2022 national elections.
Ito, ayon kay Fr. Albert Alejo, isa sa convenors ng coalition, ay kung mayroong mga kaibigan si Pacquiao na magno-nominate sa 1SAMBAYAN.
Sakali anyang mayroon ay tatanungin si Pacman kung handa itong sumailalim sa selection process ng 1SAMBAYAN at kung pumayag ay saka iinterbyuhin at sasailalim sa screening batay sa criteria ng grupo.
Una nang tinanggihan ni Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang people’s champ dahil palagi itong absent sa kongreso at hindi maaaring ikunsidera para sa 2022 national polls dahil kaalyado ng administrasyon.
Gayunman, nagbago ang tono ng oposisyon matapos kontrahin ng senador si Pangulong Rodrigo Duterte habang malakas ang ugong na patatalsikin sa ruling party na PDP-Laban ang mambabatas. —sa panulat ni Drew Nacino